Archive for May, 2005

anG GuLo!!!!

Friday, May 27th, 2005

grabe!!! CHAOS! ang gulo dito sa bahay… grr… ansakit sa ulo…

kasi bukas na yung computer rental namin… hehehe… 5 computers lang e… kaya andami tao… hay naku! sakit talaga sa ulo… grabe… kaya sa mga pupunta dito… wala lang…

hanggang june 7 pa yung P20 na rent… hehehe… DSL po kami… wala lang… nagadvertise ba?!?! wehehehe… wala lang…

cge po… magbabantay pa me… may sweldo ‘to no! heheh… (",)

wahahah… ansaya talaga…

Wednesday, May 25th, 2005

ok… sa wakas! napakasaya ko… hehehe…

wala lang… kasi napatunayan kong di me cursed… wala lang… kasi nanalo si sergio mora sa contender finale!!! wala lang… nakakatuwa… deserve naman niya yung million dollar prize at yung car… masaya talaga…

what’s more, nanalo si alfonso gomez sa battle for bronze! weehheee… ansaya ko… adeek na ako ngayon…

sa mga di makarelate… sorry… wala akong magagawa… basta, masaya me ngayon… (",)

oKei… semiformal attire still SucKS!!! =p

Saturday, May 21st, 2005

dahil wala akong magawa… magppost me ngaion…

ok… ang araw ko madalas ay naookupa ng panonood ng telebisyon… hehehe.. I’M SUCH A TV ADDICT!!! oo na! inaamin ko na… ahyeen kasi e… pinalala ang pagkaaddict ko!!!

sa ngaion, pag weekdays… ang isang show na pinapanood ko ay… NaRuTo! hehehe… kulit kasi e… wala lang… kasi e… may nangimpluwensiya sakin… pero ok lang… (",) watever!

at… mahilig din ako sa mga "forever" and "ever after" things… kaya,, oo… nanonood din me ng meteor garden! hehehe… bakit?! masama ba?!? sus… ayan ha! wala na magrereklamo…

and what’s more… nanonood na rin me ng ikaw ang lahat sa akin ng ABS-CBN! SUS! adeekk… wala lang… susundan pa siguro ito ng kampanerang kuba… hehehe…

ansama kasi e… tama ba naman?!? lahat ng gusto ko manalo, example, sa isang show na pinapanood ko, eh, hindi nananalo?!? sus! nakakaasar… sina rob and amber ng amazing race 7! sayang talaga! grrr…. pakialam ba nila?!? grrr… e gusto ko manalo yung competitive team e… grr… talaga!

at dumagdag pa ang "the contender"… natalo na si Alfonso Gomez!… grrr…. =’( nakakaasar talaga!!! hay nako! ‘pag natalo pa si Sergio Mora… grrr…. sheesh! cursed ata ako ah…

aion,,, sana naman hinde…

oo nga pala, tinawagan ako ng Kasanib kanina… ok naman… may final interview daw bukas… SUnday?!? sus! 1:30 pm… at take note: <<<SEMIFORMAL ATTIRE>>> grr!!! sheesh… yun lang nagpasira eh! alam niyo namang ayako ng semiformal attire… eew! grrr… oh well… ala me magagawa… sayang din yung scholarship noh!

at dahil dun, maghahanap muna ako ng isusuot… bye peepz!!!

eWaN! grrr….

Monday, May 16th, 2005

ewan… ewan talaga ‘tong araw na ‘to… grrr…

sinimulan ng late na gising… tsktsktsk… tapos, onting problema… tapos ang init-init!!!  grrr… ansakit ng ulo ko kanina… di ko na maupdate mga blog ko… email accounts, friendster… pati diary ko! grr… talaga!

umalis ng mga 2 pm sa bahay… ang init talaga! buti na lang, bukas ang UP! kala ko, wala akong mapapala… kea lang, nasa kabilang side me… sa may college of nursing… at kailangan, sa OSA me pumunta! ggrr…. naglakad me ng malayo… ansakit sa ulo!

pagdating dun, dugyot na ata ng itsura ko… eew… yan tuloy, inasikaso ako agad! hehehe… aion, nagpsychological test na nga… sus! ayako na ng mga test na ganun! grr… puro essay… "be frank w/ your answers… be honest…" WATEVER!!! sheesh…

dahil sa katamaran ko… 2 hours ako nagtest… instead of an hour and a half… hehehe… tulugan ba naman! (",)… natapos rin naman… at namahinga muna me sa ROB… duh! ang init kasi eh! tapos, nagpunta kina chino… nakikisabay kasi papuntang ortigas… fine…

aion, nanood muna me ng Naruto… hehehe… saya… la lang… at least, di mainit! oi chino, pakisabi kay ate edna, thanx sa coke! hehehe… kahit na di naman ako mahilig sa coke… yung tipong once every 2 months ka lang umiinom ng coke… ganun ako!

so, umalis na nga… himala! nanlibre ng taxi! hehehe… (",) arte kasi e, ayaw magcommute… (peace, man! hehehe…)  mainit daw! sus! sabagay… at pagdating, tumunganga dun… wala pa sila eh! duh! e kasi naman, 6 pm ang alam ni chino na usapan… 7 pm po kaya! sus! aion, nakipagkwentuhan kay sir… tinatamad talaga ako… at katay-katay na siguro pag-uwi…

NOTE: sa mga may discount coupons na nakakabit dun sa blue manual ng legacy… gamitin na ninyo yan! hanggang july 1, 2005 na lang daw eh! sabi nung notice dun sa cashier… wala lang… halatang walang magawa kaya binabasa na lang yung mga nakapost noh! hehehe….

ISA PANG NOTE: alam niyo na ba yung bagong promo?! hehehe…kapag 5 ang pay-in mo at kapag tuesday mo ipinay-in yung 5 na yun… may extra 2k ka! wala lang… nabasa rin namin…

ipinagpapatuloy…

aion nga, kakahintay, nagpunta na lang ako dun sa warehouse… hehehe, tama ba ginamit kong word?! at kumuha ng 1k worth na products… duh! baka masayang kasi e… e tamang-tama… wala yung gusto kong shoes… pati yung bag na gusto ko… OUT of STOCK po lahat ng gusto ko… grabe! answerte talaga ng araw ko! grr… aion, nagsettle na lang me sa 2 shirts… pandagdag sa collection… dahil nakacivilian nga sa UP…

bumalik na me… andun na si eric… ok fine! tinawag ko na si chino… nakaupo pa rin sa loob, wawa naman… hehehe… jowk lang… at nag-usap… at may nangyaring hindi ko pwedeng sabihin… bawal talaga… tapos nagdatingan na ang iba pa… meeting… dumating si kuya brian… meeting pa uli… hanggang bumaho yung paligid… dumating ata yung truck ng garbage e…

tapos, nagmeeting uli… sinisipon pa ako dahil… basta… at dumating na si ariane… meeting uli… pagkatapos, umuwi na me… hello!? katay na me sa bahay pag di pa ako umuwi… at kahit na walang kasabay si chino umuwi… so?!? lalaki naman siya e… mabulok siya dun! (hehehe.. peace ulit!!) at aion… binigyan kong P40… parang wala rin yung libre niya… mga P7.50 na lang kung ating icocompute… wala lang ulit! so… kaya ko naman umuwi mag-isa! pumunta nga mag-isa kaya ko e… pag-uwi pa kaya?!? di ako tulad ng iba dyan noh! (hehehe… peace poh ulit!)

at aion… kala ko, tapos na ang swerte ko… di pa pala… may bad news pa sa bahay… di naman bad news… pero para sakin… bad news in a way… sus! ewan!leche… tapos natalo pa yung gusto ko manalo sa contender!!! grr… asar! i hate this day!!!

**sinong manhid?! grr… kala niyo lang yun! alam ko sa sarili ko na aware ako sa paligid ko! pero kung yun ang tingin niyo, wala ako magagawa… grr talaga…** 

1st time

Tuesday, May 10th, 2005

oi… wala lang… 1st time ko lang magpost… kasi… may iba akong blog e…

anyweiz… saka ko na aayusin to… magpopost muna me…

so… supposedly, kukunin ko yung form 137 ko sa school NGUNIT… wala daw! awww… so sad! nakakaasar. sobra. sayang pamasahe ko. kaya ayun, kokontakin ko muna si teacher chons kasi kailangan nga ng UP yung form 137 ko… ASAP! eh, wala e… wala ako magagawa. nakipagkwentuhan kay mam liberty… wahahaha… libre aircon! oi! may nalaman ako… secret ko na yun syempers… may magagalit eh! (",)

after that, tumawag ako kina pau… nagdecide… at nagpalipas oras sa press room… DIARY NA ITOH!!! wala lang, tagal ko nang hindi sumusulat dun eh… aion. umalis na at nagpunta sa bahay nina chino…

para kayang tanga, pagbaba ko nung jeep, may nakita akong dalawang tao… naglalakad… parehong nakashorts… tapos yung isa… may number 13 sa likod at may dalang payong… weird! parang kilala ko yun ha! hehehe… sila nga. AMBAGAL maglakad… wehehehe! peace poh! at aion.

ikukwento ko pa ba? wag na… kakatamad… hehehe… tapos dumating si allas! ansaya… wala lang… pinasulat ko siya dun sa graduation thingy ko… oo nga pala, mga friendz, yung mga di pa nakakasulat, sulat kayo… iba yun dun sa graduation hat whatever ha… hehehe… =)

at pinakain kami ng pancit canton… hehehe… nabreak ko yung promise ko… uminom ako ng coke kanina… wala lang. ok lang. minsan lang naman e. at ayun… HOUSE HOPPING… nagpunta kami kina bobby… wehehehe… maghalungkat ka sa mga baul niyo! peace poh… tapos nagpunta kami kina lyka…

naliligo pa daw… wala lang… babalikan na lang. nagpunta kami kina ple… nasa Calasanz daw… at andun nga. nanonood ng basketball. kinalabit ko… wahahah… SURPRISE! pictures poh… oo nga pala,naghouse hopping kami sa kadahilanang kailangan na ni allas yung pictures para sa yearbook… at ayun, naghintay kami sa labas ng bahay nina ple…

nakakaasar! may aso!!! grrr… ayako mga aso na tumatahol at nagaaway, tapos lalapit pa sayo… ayako talaga… may nalaman na naman ako… hehehehe… hi pau! (",) at aion, nag-usap sila, sila lang! in-O.P. me!!! grrr… Belat! nanood na lang ako ng meteor garden sa tv nung kapitbahay… wala lang…

dumating na yung pics. nagpunta kina bobi. pics pa uli. tapos kina lyka. wala daw siya pics. bumalik kina chino. aion. nagbigay siya ng pics. yes! maiuuwi ko na grad thingy ko! aion. umalis na. sumakay ng jip. round trip. tinatamad maglakad e. kasi naman, yung bahay nina chino, nasa kabilang dulo nung place na sasakyan ko! grrr….

nung nasa jeep na me… shucks! naiwan ko yung blue basa board ko… andun yung 4 most important pics ko… so sad…faraday pic, lavo pic, feelers at isang napakaimportanteng pic… (sa mga nakakaalam… tumahimik na lang… hehehe)

aion. umuwi. nagdinner. at eto, kachat ko si paulo… gamit account ni chino… LaTer peepz!